Wednesday, November 12, 2008

Nakakalito?!

Bakit nakakalito? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang hindi pa rin ako masaya? Bakit lahat ng mga bagay na pilit kong iniiwasan kusang bumabalik para gumulo ulit ang buhay ko?
Bakit ganito ang mga bagay na naiisip ko? Takot ba akong mahalin siya? Takot ba akong masaktan o takot akong masaktan siya? Bakit ang pakiramdam ko lagi akong nag-iisa? Ako ba ang lumalayo o sila? May galit ba ako sa kanya o wala? May galit ba siya sa akin? May mali ba akong nagawa? May kulang ba? Ano gagawin ko para mahalin niya ako? Mamahalin niya rin ba ako? Naghihintay lang rin ba siya sa akin? Pareho ba kaming nag-aabang sa tamang tiyempo o tamang panahon para masabi yung nararamdaman namin? Paano ba malalaman na sobra na? Kailan ba malalaman na ito na ang tamang panahon? Dapat ko bang hintayin ‘yon? Mahal kaya niya ako? Bakit kasi ang daming tanong ko sa buhay ko? Bakit hindi ko alam yung sagot? Malalaman ko ba ang sagot sa mga tanong na ito? Bakit takot akong sabihan siya? Mali ba ‘yung nararamdaman ko? May tama ba o mali sa bagay na ‘yon? Matatapos ba ang mga tanong ko sa buhay?

0 comments:

 
;