Sunday, March 15, 2009

Laro ng Buhay


Parang nasa laro ako ngayon ng buhay. Isang laro na hindi ko alam ang patutunguhan. Isang progressive na laro na habang patuloy mong ginagawa, patuloy kang matututo at masasaktan, madadapa pero matututong bumangon.

Nagsimula ang lahat out of curiosity. May gusto kang alamin. Sa desisyon mong alamin ang bagay na 'yon, sumang-ayon ka sa Terms of Service ng laro na lahat ng bagay ay pananagutan mo. Ito ang simula ng pasikut-sikot na laro na mukhang walang katapusan at kung meron man, malayo pa sa katotohanan.


Nakakalito ang laro na 'to. Nakakapagod at nakakainip. Gusto mo nang i-fast forward ang lahat para matapos na pero bawal. Hindi pwedeng madaliin ang laro. Walang cheats. Bawal ang cheats. Kailangan mong mag-isip. Kailangan mong gumawa ng stratehiya para umusad sa laro. Kailangan mong maging matalino sa desisyon na ginagawa mo para umayon sa dapat mangyari ang mga bagay bagay.

Minsan dadating ka sa punto na parang gusto mo nang sumuko. Gusto mo ng huminto at huwag ipagpatuloy pa ang nasimulan. Pagod ka na at gusto mo na ng time out. Nakakasawa na kasi kung paulit-ulit na lang ang takbo. Paulit-ulit ang ginagawa mo. Paulit-ulit ang lahat at parang walang katapusan. Parang napunta ka sa labyrinth at 'di mo na alam ang daan palabas.

Nakakapagod na. Sawa na ako. Sawa na akong intindihin ang sitwasyon at ang posisyon ko sa laro. Ang hirap minsan intindihin ang panuntunan ng laro. Minsan magiging tanga ka na lang sa mga desisyon mo. Madadala ka na lang sa agos ng game play. Masyado ka ng na-hook sa istorya na akala mo ikaw pa ang may kontrol. Naging isang adiksyon na nagiging parte na ng buhay mo. Pilit mo man lumayo lagi mong iisipin. Sinasabi mo sa sarili mo na kaya mo pero sa totoo lang hindi na pala. Nagpapanggap ka na lang. Nagkukunwari sa ibang tao na malakas ka pa pero sa totoo lang kailangan mo na may magpadala ng energy pak para umusad ka sa susunod na lebel.

May mga bagay na dapat kang paghandaan sa laro na 'to. May mga taong kakalaban at kakampi sa'yo. May mga taong maniniwala at magdududa. Maraming mga bagay na nangyayari sa loob at labas ng laro. May mga taong akala mo kakampi pero espiya pala. May mga taong papaasahin kang tutulong pero iiwan ka rin sa huli. May mga taong gagamitin ka lang para sa advantage nila sa laro. May mga tao rin namang talagang nandyan para tumulong sa'yo, mga backup mo kapag nakikipaglaban ka.

Para paghandaan ang mga bagay na 'to maraming bagay ang dapat mong gawin. Una, kailangan mong bumili ng mga weapons mo para sa attack at defense. Ito ang personal protection mo. Masaktan ka man ng kalaban kahit paano daplis lang ang kaya nila. Magandang equally distributed ang experience points mo sa dalawa. Ang defense mo ang magsisilbing armor mo sa mga taong gustong umatake sa'yo. Mas malakas ang defense mas malakas ang chance mo hindi masaktan. Ang attack mo naman ang gagamitin mo para kalabanin ang mga taong hindi dapat pagkatiwalaan. Doon mo masusukat ang kakayahan mo na na kayaning lumaban sa mga taong masasama, mga taong umaapi sa'yo at sa iba.

Sa larong 'to, mataas ang defense ko. Mas tinataasan ko ang tolerance ko to handle attacks. Ako ang tipo ng tao na mahaba ang pasensya. Sabi nga nila patience is a virtue. Pero ang pagiging pasensyoso ay may mga kaakibat na repurcusions. Some people just take advantage of you. They tend to underestimate, if not overestimate, your capacity to handle issues in your life. I try not to be caught unguarded. I try to conceal my weakenesses and flaws to others. That's what your startegy should be but most of the time I'm just too transparent. Sometimes my defense is just not enough to take all the attacks. I feel weak. I feel tired. When I'm at my lowest, that's the time that they really take advantage. Repeatedly, they will attack and rob me off my properties until I either die or get too weak to even fight back.

Think with your brain when dealing with yourself and think with your heart when dealing with others. This is a strategy that I should be applying to myself. I tend to be emotional on handling all issues. I do and say a lot of crappy things that leads to my own demise and most them because I did not use my head. I agree with my friends when they told me that I know what I'm doing but acting as if I'm innocent. All hands up. I surrender. I have no defense for that. I agree with you when you said I'm acting as if I am a victim. I never knew that at first but now, carefully analyzing every bits and pieces of the game, I'm starting to realize that. I'm starting to see the bigger picture. Funny as it may sound, I agree with you not to forgive me. This is a betrayal in your own mafia. I deserved to be taken out from the list and be banned from your gang. I want to say I'm sorry to all my mafias that felt betrayed. I never wanted to hide confidential information from you. It was kept hidden in the vault for so long that I did not notice it was there. I know eventually you'll understand.

And for my enemies, I really don't know why they assume many things about me. What the hell do they get from talking behind my back? If you don't care, don't talk. If you do, do it infront of me. Sometimes its hard to live living life through out what people expects you to be. They want you to be there puppet. Society dictates what you should be. I'm trying to defend myself from society's idea of what I should be. I feel like they are trying to squeeze me to fit into a shoe that's either too big or too small for my size. Remember also that part of every level that I complete, I gain points that I can add to my attack. Kapag sapat na yung points ko pwede na rin akong lumaban sa inyo.

Second to the things that you need for the game is try to have a lot of friends to invite but make sure that they will accept them. Siguraduhin mo na naglalaro rin sila ng parehong laro kasi sinasayang mo lang ang oras mo kakahintay na maging part sila ng mafia mo. Kasi sa larong 'to kailangan may kasama ka. Primarily, kailangan malakas ka pero kailangan mo ng back-up. Sabi nga nila no man is an island. Sometimes there are things that you can deal with in numbers. Sila ang mga taong kasama mo win or lose. Kapag nanalo ka, they can double your experience points. They can give you a clearer perspective. Parang kasing nagbabasa ka ng kwento. Pwedeng ang pagkakaintindi mo sa istorya tama o mali pero pa'no mo malalaman kung walang magsasabi. Sila rin ang magbibigay sa'yo ng additional loot. Sila ang magpapayo sa'yo kapag 'di mo alam ang sagot. They can keep you sane in your insane situation.

Last, patience and passion for the game. Nakakapagod rin naman maglaro. Hindi mo minsan alam kung worth while pa ba ang ginagawa mo. Minsan napag-iiwanan ka na. Kailangan lang talaga na desidido ka na matapos ang lahat. Kailangan mong ipush ang sarili mo na tapusin ang mga nasimulan. Pabor man o di pabor sa'yo ang takbo ng laro, ok lang 'yon kasi eventually makukuha mo rin naman ang reward mo. Dapat handa ka sa resulta. Hope for the best and expect for the worst. Ganun dapat mind set mo. 

Sana matapos na 'tong laro na 'to. Alam ko naman na matatapos na. Ilang level na rin ang nalampasan at sana "Game Over" na.

0 comments:

 
;