Hmmm... Ano ba ang nasa isip mo? Magulo ka. Nahihilo ako. Malabo. Hindi ko maintindihan kung pagbabalat-kayo lang ang lahat. May mga bagay na alam ako na hindi ko maunawaan kung bakit mo ginawa at ginagawa. Naaasar ako kung bakit kailangan mo pang gawin 'yon! Bahala ka. Sarili mo 'yan. Hindi ko na aalamin kung bakit. Ayaw ko na rin malaman.
Tapos na 'tong kabaliwan ko. Lumipas na ang lahat. Patuloy na iikot ang mundo. Bibitaw na ako sa pagkakahawak sa akin ng nakalipas. Panahon na para bumitaw. Puputulin ko na ang linya na nag-uugnay sa ngayon at kahapon. Magpapatihulog na ako sa bukas na 'di ko pa tiyak kung saan patungo. Babagtasin ko na ang nasa dako paroon. Hindi tiyak pero buong tapang kong haharapin ang lahat.